Matagumpay na isinagawa ng Mandaluyong City Police Station ang isang Information Drive ukol sa tamang paggamit ng Hotline 911 para sa mga emergency calls, bilang suporta sa 5-Minute Response Time Program ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PNP Chief, PGEN NICOLAS D TORRE III.

Ginanap ang aktibidad noong Hunyo 27, 2025, ganap na ala-1:00 ng hapon sa International Bible Church, Barangay Plainview, Mandaluyong City. Lubos ang naging suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang mga Barangay Kagawad and Ex-Os, Salaam ASG, Force Multipliers, Barangay Tanod, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at iba pang mga Civian Volunteers.

Pinangunahan ni PCOL JENNY D TECSON, Chief of Police, Mandaluyong City Police Station, ang kampanya na layuning palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa mga programa ng PNP para sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan.

Ipinahayag ng mga lokal na opisyal at mga miyembro ng komunidad ang kanilang pasasalamat at paghanga sa inisyatibo ng istasyon ng pulisya para sa pagbibigay-kaalaman sa publiko at paghikayat sa responsableng pagkilos bilang mamamayan.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad si PCOL ALDRINE S GRAN, Chief District Directorial Staff ng Eastern Police District na kung saan kanyang pinuri ang Mandaluyong CPS sa matagumpay na pagpapatupad ng programa at sa dedikasyong ipinakita para sa kapakanan ng publiko.

Pinangunahan naman ni REV. PASTOR JAMES LEE TICA, Head Pastor, IBC, ang ceremonial signing bilang simbolo ng kanyang buong suporta sa nasabing kampanya, kasama si HON. DARWIN A. FERNANDEZ, ABC President.

Ayon kay PBGEN LAGRADANTE, “Lubos kong pinupuri ang Mandaluyong City Police Station sa matagumpay na pagpapatupad ng 5-Minute Response Time Program. Patunay ito na sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga katuwang sa komunidad, posible ang mabilis, epektibo, at organisadong pagtugon sa anumang emergency. Maging responsableng mamamayan,tawag lamang sa 911, at agad kaming tutugon.”

Tinapos ang programa sa pamamagitan ng isang Pledge of Commitment, na sumasagisag sa matibay na ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Bagong Pilipinas.