
Sa pagbisita ng mga ng Kalihim ng Department of Agriculture (DAR) na si FRANCISCO “KIKO” P. TIU LAUREL at Department of Trade and Industry (DTI) na si MA. CRISTINA A. ROQUE, umaga ng ika-16 ng Enero taong kasalukuyan sa Mutya ng Pasig Mega Market, Brgy. Malinao, Pasig City ay buong higpit naman ang isinagawang seguridad ng mga Kapulisan ng Eastern Police District sa pangunguna ni PCOL VILLAMOR Q TULIAO, Acting District Director kasama ang Command Group, District Staff, iba pang mga opisyales ng EPD at miyembro ng Pasig CPS sa pamumuno ni PCOL HENDRIX B MANGALDAN, COP. Ito din ay personal na dinaluhan ni PMGEN EDGAR ALAN O OKUBO, TCDS, PNP at ni HON. VICTOR MA. REGIS “VICO” N. SOTTO, City Mayor, Pasig.
Umaga pa lamang ay nakalatag na ang mga Pulis ng EPD na ikinalat malapit sa nasabing palengke upang tiyakin ang gaganaping pagbisita ay magiging maayos at mapayapa at matiyak na ligtas ang mga darating na kalihim at mga taong pupunta sa nasabing lugar.
Naglagay ng mga Route Security personnel, Traffic Management at Direction and Control Team sa mga daanan malapit sa Pasig Palengke. Gayundin ay nag deploy ng mga Quick Reaction Team sa mga stratehiyang lugar malapit sa nasabing palengke na mabilis na reresponde sa anumang mga pangyayari.
Ang nasabing inspekyon ng kalihim ng DAR at DTI ay upang matiyak na ang mga pangunahing produkto tulad na lamang ng bigas, karne ng baboy at baka, isda, manok, itlog, de lata at iba pang mahahalagang bilihin ay tama at naaayon sa itinakdang regulated na presyo at ito ay dumaan sa tamang kalidad ng produkto na dapat na ibinibenta sa merkado nang sa ganun maging patas at ligtas ito sa mga mamimili.
“Amin po talagang sinigurado na ang pagbisita ng ating mga Kalihim sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industry sa ating Area of Responsibility lalo na po sa Pasig City ay magiging maayos at ligtas. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga Kapulisan sa ginawa nilang matagumpay na seguridad at sa kooperasyon ng ating mga Force Multipliers sa mula sa Pasig na tumulong sa pagaasikaso lalo na sa pagsasaayos ng traffic.” Pagbibigay diin ni PCOL TULIAO.
Dagdag pa ni ADD, EPD “Hiling ko lamang din sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga mahal na Market Vendors na tayo ay sumunod sa batas na itinakda ng DAR at DTI upang hindi po tayo magkaproblema at makapaghanap buhay po tayo ng maayos. Hangad ko din ang kooperasyon ng publiko at i-report ang mga masasaksihang paglabag sa kinauukulan. Nais naming mga Kapulisan na tayong lahat ay mamuhay ng patas para sa ikakapayapa at ikauunlad ng ating komunidad.”