Personal na pinangasiwaan ni Officer-in-Charge, Eastern Police District, PCOL VILLAMOR Q TULIAO ang isinagawang Simultaneous Disposal/Destruction of Confiscated Illegal Firecrackers na na nagkakahalaga ng mahigit sa Php 252, 857 na nakumpiska ng iba’t-ibang himpilan ng Pulisya sa EPD noong pagsalubong sa Bagong Taon 2025.

Kasama ni PCOL TULIAO sa nasabing aktibidad ang EPD Command Group na sina PCOL LEONARD L LUNA, DDDA, PCOL GLENN D LONOGAN, DDDO at PCOL ALDRINE S GRAN, CDDS gayundin ang mga miyembro ng District Staff, EOD/K9 at BFP, Pasig City.

Nais ni OIC, EPD na magkaroon ng isang ligtas na pagdiriwang ng bagong taon at maisakatuparan ang Zero Casualty sa Metro East, kaya naman kanyang pinaigting ang kampanya laban sa paggawa at pagbebenta ng mga illegal na paputok. Nagpatupad ng round the clock na operasyon ang mga Kapulisan ng EPD upang mahuli ang mga lumalabag dito. Ito ay alinsunod na din sa direktiba ng Acting Regional Director ng NCRPO na si PBGEN ANTHONY A ABERIN kaugnay ng kanyang mandato na “AAA” o ang pagiging “Able, Active at Allied” na Pulis ng NCRPO.

Sa mensahe ni PCOL TULIAO, siya ay lubos na nagpasalamat sa lahat ng Kapulisan ng EPD dahil sa kanilang walang pagod na tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin at sa kanilang pagsisikap na maging ligtas ang nasabing okasyon para sa lahat.

“Taimtim naming hangarin na mabawasan man lang ang paulit-ulit na problemang ito kung hindi man maging zero ang firecracker-related injuries at fire incidents sa silangang bahagi ng kamaynilaan.

Gayunpaman, nalulungkot ako na sa kabila ng malinaw at patuloy na paalala sa ating mga kababayan at hinikayat silang sumunod sa umiiral na batas ay may mga lantaran pa ding binabalewala ang ating mga magiliw na mga paalala na ito. Kaya naman, napipilitan kaming gampanan ang aming mandato na kumpiskahin ang mga ilegal na bagay na ito.” Pahayag ni OIC,EPD.

Kabilang sa mga nakumpiskang pinagbabawal na paputok na winasak sa nasabing aktibidad ay mga Piccolo, Pop pop, Five Star, Pla-pla, Lusis, Kwutis, Fountain, Boga, Glowing Wire, Judas Belt, Liberty, 3 Star, Happy Flower at iba pang iligal na paputok at pailaw na nakasaad sa RA 7138.Kabilang rin sa mga nakumpiskang paputok at pailaw ay dahil na rin sa pagbebenta ng walang kaukulang permit.

“Atin pong maipagmamalaki at nais ipaalam sa publiko na ang Metro East ay mayroong pangkalahatang mapayapang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ito ay maaaring maiugnay hindi lamang sa walang humpay na kampanya at operasyon na isinagawa ng inyong pulisya kundi pati na rin sa inyong walang tigil na suporta at pakikipagtulungan.” Dagdag pa ni PCOL TULIAO. ###