Sa ikatlong linggong operasyon ng Eastern Police District sa taong 2025 laban sa illegal na droga at kriminalidad ay mas lalo pa etong pinaigting upang mas masigurado ang katahimikan at kaayusan sa Silangang Bahagi ng Metro Manila. Sa masigasig na pamumuno ni PCOL VILLAMOR Q TULIAO, Acting District Director ay walang humpay ang EPD sa pagsasagawa ng mga hakbang upang mapagbagsak ang mga kriminal at salot na pinagbabawal na gamot sa bawat lungsod na nasasakupan nito. Ito ay alinsunod na din mga direktiba ng Acting Regional Director ng NCRPO na si PBGEN ANTHONY A ABERIN na ang Kapulisan ng NCRPO ay dapat may “AAA” o ang pagiging “Able, Active at Allied” Police Officers.

Mula ika-11 hanggang ika-17 ng Enero ng taong kasalukuyan, ang kampanya ng EPD laban sa mga wanted na indibidwal, ay nakapagtala ng kabuoang bilang na 57 naarestong suspek, kabilang ang 11 Top Most Wanted Persons, 6 na Most Wanted Persons at 40 iba pang wanted persons.

Sa 48 operasyong isinagawa ng EPD laban sa iligal na droga, 66 na indibidwal ang naaresto, 188.65 gramo ng shabu, 1 gramo ng high grade marijuana (KUSH) kasama ang iba pang drug paraphernalia ang nasabat. Umabot sa Php1,284,320.00 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga. Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa hindi natitinag na hangarin ng EPD na puksain ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.

Gayundin, naging matagumpay naman ang 31 na operasyon ang EPD laban sa Iligal na pagsusugal na nagresulta sa pagkakumpiska ng Php10, 745.00 halaga ng bet money at pagkaaresto ng 54 na indibidwal na lumabag dito. Nagpositibo din ang pagsisikap ng mga kapulisan laban sa mga iligal na baril o loose firearms na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 1 baril at pagkakaaresto ng 1 indibidwal.

At dahil nalalapit na ang National and Local Election 2025, naglatag ng 436 comelec checkpoints sa buong MetroEast na nagresulta ng zero election related incidents sa unang linggo pa lamang ng pagpapatupad.

Pagbibigay diin ni PCOL TULIAO, “Mas paiigtingin pa namin ang aming kampanya laban sa kriminalidad lalo pa ngayon na nalalapit na ang Midterm Elections ay mas magiging mahigpit ang aming seguridad upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat at mapayapang maidaos ang eleksyon, gayundin ay makamit ang kaayusan sa ating pamayanan.

Dagdag pa ni ADD, EPD “Kami po sa EPD ay handang magserbisyo ng tapat at buong puso, kaya naman aming hinihiling ang kooperasyon ng bawat mamamayan na sumunod po tayo sa mga pinapatupad na batas ng mga Kapulisan at saba-sabay nating labanan ang krimen upang tuluyan ng mawaksi ang mga kriminal at ilegal na droga sa ating bayan.”